top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Van vs. suv, bebot dedbol

Pabs Hernandez III
Mar 22, 2019
1 min read

SULTAN KUDARAT—Isang babaeng driver ang namatay nang aksidenteng mabangga ng van ang minamaneho nitong SUV, kamakalawa sa Bgy. Dukay, Esperanza sa lalawigang ito.

Nakilala ang biktima na si Trisha Manansala, residente ng nabanggit na lalawigan.

Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng van na minamaneho ni Paul Solivio kaya nabangga nito ang SUV na minamaneho ng biktima sa nasabing barangay.

Kaagad dinala ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page