Suki raw ng nahuling party drugs supplier… COMEDIAN-TV HOST AT SINGER-ACTRESS, PASOK SA WATCH LIST
- Erlinda Rapadas T.
- Mar 22, 2019
- 1 min read
Blind Item:
MAUGONG na maugong ngayon ang balita sa apat na sulok ng showbiz na kasama ang comedian-TV host at singer-actress sa mga celebrities na nasa listahan ng PDEA na binabantayan ngayon.
Suki raw kasi ang dalawang personalidad ng nahuling nagsu-supply ng party drugs sa Metro Manila.
Mayayaman at mga artista raw ang costumer ng nahuling supplier ng party drugs. May ilang clues na tungkol sa pagkatao ng dalawang celebrities.
Pinag-uusapan na ito sa lahat ng umpukan. May mga nag-post pa nga sa social media na nagbigay na ng clue kung sino ang dalawang sangkot na personalidad.
Marami naman ang nagpapayo sa PNP at PDEA na pangalanan na ang mga celebrities na involved. Bakit daw pinoprotektahan pa ang mga celebrities na ito kung may mga ebidensiya naman na at mismong ang supplier na ang nagsalita kung sinu-sino ang kanyang mga kliyente ng party drugs?
May malakas bang padrino ang mga celebrities na ito?





Comments