Pulis niratrat sa korte, todas

NAKASUOT pa ng uniporme nang barilin ang pulis sa loob ng Regional Trial Court (RTC) sa Danao City, Cebu, alas-12:00 ng hapon kahapon.
Nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan ang biktimang si SPO1 Francis Villamor, dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Board (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (CPPO) na ngayon ay nakabase sa Cebu City Police Office.
Sa inisyal na ulat, binaril si SPO1 Villamor pagkalabas nito mula sa court room ng dinaluhang pagdinig.
Nang makitang lumabas ang biktima, nilapitan ito saka pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng Danao City RTC.
Patuloy pang inaalam kung ang biktima ay personal na dumalo sa pagdinig sa naturang korte o may kasamang mga preso.
Gayundin, inaalam ng mga awtoridad kung paano nakapasok nang may dalang baril ang suspek sa building na nagpapatupad ng mahigpit na seguridad.





Comments