top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Nagpaputok ng boga tiklo

Pabs Hernandez III
Mar 22, 2019
1 min read

NUEVA ECIJA—Isang sundalo ng Philippine Army (PA) ang inaresto ng pulisya nang magpaputok ng baril, kamakalawa sa Bgy. Militar, Palayan City sa lalawigang ito.

Kinilala ang suspek na si Sgt. Allan Juarigue, nakatalaga sa 1st Brigade Combat Team sa Fort Magsaysay sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, kainuman ni Juarigue ang kanyang mga kaibigan nang magpaputok ito ng baril at dahil dito rumesponde ang pulisya ay dinakip ang suspek.

Nakapiit na si Juarigue at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page