top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya raw pala 'di hurt kahit nawala si Calvin… VICE, BUKING NA SI ION ANG 4 MONTHS NANG BF

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MARAMI ang nagdududa na si Kuya Escort Ion Perez ang bagong boyfriend ng comedian na si Vice Ganda na umamin noong Linggo sa kanyang late-night talk show na Gandang Gabi Vice na meron na siyang bagong kasintahan at apat na buwan na sila.

Kung apat na buwan na raw kasi sila, sakto diu­mano ito noong Disyem­bre kung saan nagsimulang mag­pa­kilig ang dalawa sa noontime show na It’s Showtime.

Sinasabi rin ng ilan na kaya pala hindi gaanong dinamdam ng Unkabogable Star ang paghihiwalay nila ni Calvin Abueva ay dahil nag­­karoon siya ng instant boyfriend sa katauhan ni Ion Perez.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagpapakilig nina Kuya Escort at Vice sa It’s Showtime. Kung noong una ay sa segment na Miss Q&A sila nagkakasama, ngayon, sa bagong segment na ng noon­time show na KapareWHO sila nagku­kulitan at nagba­batuhan ng matatamis na pick-up lines.

Ang latest nga sa dalawa ay habang nagkukulitan sila, mukhang nasobrahan ang kilig ni Vice dahil nasipa at nabasag ang baso na hawak-hawak ni Ion nang ipakita nito ang kanyang abs sa komedyante.

Kaya habang live ang show ay biglang napalinis ang komedyante ng mga kumalat na bubog sa stage.

Narito ang ilang comments ng mga netizens sa nangyari…

“Nasipa pala ni Vice ‘yung hawak ni Ion. Haha! ‘Di ko napansin kaninang nanonood ng TV.”

I love how everyone in the background tells Ion to stop picking up the debris. Ion really is a nice guy.”

“‘Katuwa reaction ni Ion ‘yung na­sipa ni Vice ‘yung tray. Nagulat siya. Saya-saya ng Showtime.”

“Iba talaga ‘yung care ni Ion kay Vice nu’ng akala niyang malalaglag si Vice.”

“‘Yan ang gusto ko kay Vice, eh, conservative pa rin siya at concerned when it comes sa respect at tamang pagtrato sa isang babae, lalo na kay AnaKarylle, pina­hinto niya ito mag-mop ng floor area.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page