BREAKING NEWS | Executive Assistant ni Junjun Binay, binaril sa labas ng bahay


HUWEBES ng gabi, nangyari ang pagbaril kay Monaliza "Monet" Bernardo sa Barangay Olympia. Natamaan siya sa kanyang kanang kamay at tiyan.
Ayon sa pulisya dalawang suspek na nakamotorsiklo ang sangkot sa pangyayari.
Ang dating mayor na si Junjun Binay naman ay may hinala na ang nangyari sa kanyang assistant ay may kinalaman sa darating na eleksiyon. Para sa kanya pulitika ang sanhi ng pagpinsala kay Monet dahil tumatakbo siya bilang mayor ng Makati City.
Inutusan na rin ni Mayor Abby Binay ang pulisya na mag-imbestiga sa nangyaring pagbaril.
Abangan ang iba pang detalye bukas sa BULGAR newspaper at online.





Comments