Digong, kahit wala na sa puwesto | MALASAKIT CENTER, TULOY

NAIS ni dating Special Assistant to the President (SAP) ‘Bong’ Go na ituloy ang serbisyo ng mga Malasakit Center sa bansa kahit tapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.
Ang mga Malasakit Center na makikita sa iba’t ibang pampublikong pagamutan ang madalas lapitan at hingan ng tulong ng mga mahihirap na may sakit.
Libre ang konsulta at libre rin ng gamot sa 24 Malasakit Centers, nationwide kaya wala nang dahilan at alinlangan ang mga may sakit upang hindi sila magtungo sa ospital para magpatingin ng kani-kanilang mga karamdaman.
Kung dati ay takot magpaospital ang mga pasyente dahil wala silang pambayad, ngayon ay araw-araw nang dinudumog ang mga ‘one stop shop’ na Malasakit Center sa bansa.
Samantala, makikita sa Malasakit Center ang mga tauhan ng PCSO, PAGCOR, PhilHealth, DOH, SSS at DSWD na siyang sasagot sa hospital bills at iba pang gastusin ng mahirap na pasyente.





Comments