Binata pinagsasaksak

MALUBHA ang isang binata matapos pagsasaksakin ng kalugar sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa tiyan at kanang braso si Kenneth Leonor, 20, ng Bgy. Tonsuya.
Patuloy na hinahanap ng pulisya ang suspek na si Reggie Mondares, 35, residente ng nasabing lugar.
Ayon kina PO3 Julius Mabasa at PO2 Jose Romeo Germinal II, alas-10:45 ng gabi, nakatayo ang biktima sa harap ng kanilang bahay nang lapitan ito ng suspek at dalawang beses na inundayan ng saksak.
Kahit sugatan, nagawang makatakbo ni Leonor papasok sa kanilang bahay subalit, hinabol ito ng suspek hanggang sa lumabas ang ama nito dahilan para mabilis na tumakas si Mondares.
Agad isinugod sa naturang pagamutan ang biktima ng kanyang kapatid na si Eden Agapay habang patuloy pang inaalam ang motibo sa insidente.





Comments