top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

BATAAN AT MANILA, NAKAPUWESTO SA FINAL 4 SHOWDOWN NG MPBL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 22, 2019
  • 1 min read

MATAPOS ang ilang buwan na paghihintay, sa wakas nakatakda na ang powerhouse teams Bataan at Manila sa kanilang Final Four showdown para sa semifinal round ng northern division ng MPBL Datu Cup.

Nangyari ito matapos na isara ng Risers at ng Stars ang kani-kanilang serye laban sa mga karibal sa quarterfinals noong hatinggabi ng Miyerkules sa San Andres Gym sa Manila.

Pinasuko ng Bataan ang Caloocan, 83-71 upang makapasok na sa final nang magpamalas ng solidong laro si Richard Escoto para sa Zetapro-backed Risers. Ang pride ng Far Eastern University ay tumapos ng 17 points at 9 rebounds upang pamunuan ang Risers.

Malaki rin ang iniambag nina Gab Dagangon na may 15 marka, kabilang na ang tatlong tres, habang sina Gary David at Alfred Batino ay may tig-13 puntos para sa Risers.

Haharapin ng Bataan ang Manila, ang 92-83 winner kontra Bulacan sa iba pang laro. Sa bisa ng double-double performance ng tatlong players, natigpas ng Stars ang Mighty Sports- Kuyas, na yumuko sa quarterfinals sa ikalawang ulit ngayong season.

Bumanat si Aris Dionisio ng 17 points at 12 rebounds, si ex-pro Marvin Hayes ay may 16 marka habang si promising frontliner Mark Cruz ay may 12 points at 10 rebounds nang manaig ang Stars big men.

Namayani rin ang Manila frontline Stars sa rebounding department, 53-44. May 56 points din ang Stars sa loob ng shaded lane kumpara sa 44 ng Bulacan. Nanguna si Chris Bitoon sa lahat ng scorers ng Manila sa 20 points. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page