top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

‘PINAS, BRONZE SA WORLD JUNIOR BOWLING SA FRANCE

Eddie M. Paez, Jr
Mar 22, 2019
1 min read

SIGURADO na ang Pilipinas na hindi ito mabo­bokya sa medalya nang ma­kasikwat ito ng isang upuan sa podium ng girls’ singles sa 2019 World Bowl­ing Junior Championships sa palaruan ng Plaza Bowl­ing sa St. Maximin, France.

Kinasangkapan ng ban­sa ang mainit na kamay ni Grace Gella na kumamada ng 1,374 pinfalls sa elimi­nation round para makakuha ng lugar sa semifinals. Siya ay pumang-apat sa likod ng isang Singaporean at dala­wang kinatawan mula sa Finland.

Nabigo siyang dai­gin si Arianne Tay sa semis kaya nakuntento na siya sa tansong medalya ng torne­ong inorganisa ng World Bowling, Maximin Bowl­ing Plaza at Tenpin Bowling Association of France.

Kamuntik nang masun­dan ang podium finish ni Gella nang pumanglima ang boys’ doubles team ng mga kababayang sina Danielle Evangelista at Patrick Nu­qui. Eksaktong 30 pinfalls lang ang naging kakulangan nila mula sa isang sigura­dong bronze medals.

Ang susunod na tsansa ng kabataang bowlers na makasikwat pa ng medalya ay nakahain sa mixed team, all events at masters ng pa­ligsahang nilimitahan lang ang mga kalahok sa bowlers na ipinanganak noong Enero 1, 2001 hanggang Disyem­bre 31, 2005.

Ang national quartet ay inaalalayan nina Alexander Lim (manager), Engelberto Rivera (coach) at Josephine Canare (coach) sa pakiki­pag­banggaan nila sa may 110 na kinatawan ng 35 ban­sa kabilang na ang Australia, Brazil, China, Columbia, U.S.A, Taiwan, Thailand, Sin­gapore, Ukraine, Hong Kong, Italy, Korea, Mexico, Guate­mala, Germany, Eng­land, Ecua­dor, Kuwait, Rus­sia, Po­land at ang punong-abalang France.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page