Rebel returnee tinodas ng mga armado
QUEZON—Isang rebel returnee ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong lalaki, kamakalawa sa Bgy. Magsaysay General Luna sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Cesar Umali, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, pumasok ang mga suspek sa bahay ni Umali at pagkaraan ay kinaladkad ito palabas at saka pinagbabaril hanggang sa mapatay.
May hinala ang mga awtoridad na mga dating kasamahan ni Umali sa New People’s Army (NPA) ang pumatay sa kanya.





Comments