Plunder sa P183-M pork scam, puwedeng ibasura — Sandigan | JINGGOY AT NAPOLES, NAKAISKOR
- BULGAR

- Mar 21, 2019
- 1 min read

PINAYAGAN ng Sandiganbayan si dating Sen. Jinggoy Estrada at negosyanteng si Janet Lim Napoles na makapaghain ng mosyon para ibasura ang kanilang kasong plunder kaugnay ng P183-milyong pork barrel scam.
Batay sa resolusyon ng 5th Division, nakasaad ang pag-apruba ng anti-graft court sa motion for leave to file demurrer to evidence nina Estrada at Napoles laban sa kinahaharap nilang kaso.
Nangangahulugan ito na may pagkakataon ang dalawang kampo na hamunin ang ebidensiya ng prosekusyon para maabsuwelto sila sa reklamo. Gayunman, kung hindi ito kakatigan ng korte, tuloy pa rin ang pagdinig sa kanilang pork barrel case.
Ipinunto rin ng mga Mahistrado ang oposisyon ng Ombudsman prosecutors hinggil sa umano’y ill-gotten wealth ni Estrada na dati nang kinilala ng parehong Sandiganbayan Division.
Kabilang sa mga lumagda ng resolusyon si Division Chairperson Assoc. Justice Rafael Lagos, at mga miyembro nitong sina Assoc. Justice Maria Theresa Mendoza-Arcega at Maryann Corpus-Mañalac.
Matatandaang, hinarang noon ni Assoc. Justice Lagos ang iginawad na bail kay Estrada kapalit ng pansamantalang kalayaan nito.
Sa ngayon, mayroong 10 araw sina Estrada at Napoles para maghain ng kanilang demurrer sa korte. (BRT)





Comments