Parusa sa mga magpapasa ng pekeng dokumento kaugnay sa kanilang aplikasyon ng driver’s license
- BULGAR

- Mar 21, 2019
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Magandang araw! Nais kong malaman kung ano ang parusa kung ang indibidwal ay nagpasa ng pekeng dokumento sa kanyang aplikasyon ng driver’s license? — Antonio
Dear Antonio,
Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Part I, (f) ng Department of Transportation and Communications- Joint Administrative Order No. 2014-01 o mas kilala bilang “Revised Schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation” kung saan nakasaad na;
I. VIOLATIONS IN CONNECTION WITH LICENSING
f. SUBMISSION OF FAKE DOCUMENTS IN RELATION TO THE APPLICATION FOR A DRIVER’S LICENSE (NEW/ RENEWAL)
FINE
PHP 3,000
In addition, the driver’s license shall be put on alarm, revoked and the driver shall be disqualified from being granted a driver’s license and driving a motor vehicle for a period of one (1) year from the payment of the fine, without prejudice to the filing of appropriate criminal charges.
Sang-ayon sa nabanggit na panuntunan, pinapatawan ng kaukulang multa na nagkakahalaga ng tatlong libong piso (P3, 000) ang sinumang magbibigay ng pekeng dokumento kaugnay sa kanyang aplikasyon para sa driver’s license. Bukod pa rito, ang sinumang lalabag sa nasabing panuntunan ay diskuwalipikadong makakukuha ng lisensiya at hindi papayagang magmaneho sa loob ng isang (1) taon mula sa pagbabayad ng multa.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.




Comments