Naipit sa poste ng LRT | LOLO, DEDO SA NAKAPARADANG VAN

TODAS ang 68-anyos na lalaki matapos masagasaan nang biglang umandar ang nakaparadang van at maipit sa poste ng Light Rail Transit Line 2 habang naglalakad kasama ang kanyang misis sa parking space ng isang grocery store kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Manila.
Hindi na naisalba ng mga doktor ng University of East Ramon Magsaysay Medical Center ang biktimang si Conrado Roque Talamayan, residente ng Maries Village, Antipolo City.
Sasampahan na ng kasong reckless imprudence resulting in homicide and damage to property ang driver ng van na si Jovil Sarvida Maula, 33, ng San Pedro, Laguna at 1 Governor Driver, Bgy. Bancal, Carmona, Cavite.
Batay sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section ng Manila Police District, alas-4:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa parking space ng isang wholesale store, partikular na sa north entrance ng istasyon ng V. Mapa Station ng LRT-2, sa R. Magsaysay Boulevard, Sta. Mesa.
Magkasama umanong naglalakad ang biktima at kanyang misis nang biglang umandar ang nakaparadang Hino aluminum van na may conduction sticker na ZF-6173.





Comments