Mga tsuper, kapos na sa pang-boundary, may umbag pa kay misis, nakupo!

DAMANG-DAMA na ang paghihikahos ng ordinaryong Pinoy.
Tumatakbo ang mga taxi at dyip nang walang pasahero!
◘◘◘
MARAMING tsuper ang kapos ang pang-boundary.
Marami nang drayber ang nagmamaneho nang may “blackeye” kasi inumbag ni misis dahil walang pang intrega!
◘◘◘
HIGIT na kaawa-awa ang mga iskuwater na nagsisiksikan sa “isang dipang langit” na silid.
Wala silang electric fan kaya sa kalye tumatambay!
◘◘◘
Dumaraing naman ang mga residente ng Upper Catmon sa Malabon City dahil sa harassment at demolisyon nang walang court order.
Nakatira ang ilang residente sa dating tambakan ng basura at sila mismo ang nag-develop upang maging disenteng tirahan sa mahabang panahon.
Pero, pinalalayas sila nang walang relokasyon!
◘◘◘
HINIHILING ng mga residente na mabiyayaan sila ng binabanggit nating “in-city housing program” nang hindi na sila lalayo sa lungsod.
Parang hayop silang pinalalayas nang walang utos ang hukuman!
◘◘◘
BINABASTOS ng mga LGU ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no relocation, no demolition policy”.
Nagtatanong ang mga slum dweller kung saan dinala ng city officials ang pondong nakalaan para sa mga maralitang tagalungsod?
◘◘◘
DAPAT magbigay ng paliwanag si Mayor Lenlen upang makalmante ang nagigipit nang mga nagdarahop na pamilya sa Bgy. Catmon.
Walang programang pabahay sa Malabon, bagkus ay ginagastos ang badyet sa housing sa walang kabuluhang training ng tanod, ladies at lupong tagapamayapa!
◘◘◘
MAHALAGANG magkaroon ng in-city housing program ang Malabon dahil isa ang lungsod sa may pinakamaraming iskuwater na gumagapang sa hirap.
Nakalulungkot na bokya ang Malabon sa shelter program kumpara sa ibang siyudad.
Tsk-tsk-tsk!





Comments