top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Magpinsan niratrat, 1 todas

Levi Gonzales
Mar 21, 2019
1 min read

NASAWI ang isa habang kritikal ang isa pa matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang armadong suspek sa So. Matuod, Bgy. Binubusan, Lian, Batangas.

Batay sa ulat, alas-5:15 ng hapon, galing umano sa Beach Hotel ang mga biktima na sina Jomari Buenaveles at Rexis Nopoete.

Pauwi na sila sa kanilang bahay nang harangin ng hindi nakilalang suspek at agad pinagbabaril gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril saka tumakas.

Dead-on-the-spot sa tinamong tama ng bala sa katawan si Buenaveles habang mabilis na isinugod sa pagamutan si Nopoete. Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya sa posibleng ikadarakip ng salarin.

Gayunman, blangko pa ang imbestigador sa motibo ng krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page