JUNIOR NBA PHILIPPINES, BALIK BENGUET CAMP


MAGBABALIK ang Jr. NBA Philippines ng Alaska sa Benguet State University sa taong ito para sa ikalawang NBA Philippines Regional Selection Camp sa Marso 23 at 24 kung saan sina Jr. NBA coaches Carlos Barroca ng NBA at PBA Legend Jeffrey Cariaso ang magbubukas ng youth basketball league participation program upang maturuan ng basketball fundamentals at maibahagi ang ‘core values’ ng laro sa mga batang edad 10-14.
Ituturo sa mga kalahok ang world-class basketball instruction sa dalawang araw na event na magsisimula sa Marso 23, Sabado ng 7:00 a.m.
Sasabak ang mga aspiring Jr. NBA All-Stars sa mga serye ng ‘skill stations’ na susuri sa kanilang husay sa dribbling, passing, shooting, lay-ups at footwork.
Ang top performers sa unang araw ay hahasain pa sa Linggo na pamumunuan ng mga coach sa advanced basketball concepts, lalaro sa team exercises at exhibition games.
Maglalaban ang boys at girls para sa slot na kakatawan sa North Luzon ng Jr. NBA Philippines National Training Camp sa Don Bosco Technical Institute sa Makati sa Mayo 17-19.
Ang mga atletang napili sa Benguet Regional Selection Camp ay magiging bahagi ng top 40 boys at 40 girls na kinuha mula sa Regional Selection Camps sa Lucena (March 9-10), Dumaguete (March 30-31), Butuan (April 13-14), Metro Manila (April 27-28), at sa Alaska Power Camp.
Ang 2019 batch ng Jr. NBA Philippines All-Stars na bubuuin ng 5 boys at 5 girls ay lalahok sa unang Jr. NBA Global Championship Asia Pacific Selection Camp, isang week-long selection camp sa Hunyo kasama ang top youth players ng North Asia, Southeast Asia at Pacific region.
Bilang dagdag, ang top performing 10 boys at 10 girls ang kakatawan sa Asia Pacific sa ikalawang Jr. NBA Global Championship sa Agosto 6-11 sa ESPN Wide World of Sports Complex sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.
(MC)





Comments