HOLY BULLEA AT MELODY AMOR, PANOLO SA PICK 6

ANIM na karera ang bibitiwan ngayong gabi sa Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa pagtahak ng Additional One Win group Races sa Malvar, Batangas.
Napapalooban ng Pick 6, Pick 5, Pick 4 ang karera na paglalabanan ng Condition Race, Group Race at 3 Year Old Group Race. Sa race 1 na panimula ng Pick 6, nakalalamang ang Star of Matamis sa couple entry na Felicity at Shadow Jane at Perfect Charlie.
Magaganap ang Pick 5 sa Race 2 kung saan maglalaban ang pitong kalahok at pinapaboran din ang kalahok na Lockdown laban sa Holy Bullea at Barret Browning.
Susunod ang Pick 4 sa pag-alagwa ng Race 3, kung saan maglalaban-laban ang anim na mananakbo na pinapaboran ng Melody Amor, Lady Bell at Money for Shelltex. Sa Race 4, magiging parating ang Summer Cruise, Wiling Willie at McCartney sa paghataw ng Condition Race (17).
Pinapaboran ng Laughing Tiger ang Race 5, at makakalaban ang Shire, Red Lion at Alupay Star.
Sa Race 6, ipinapatok ang Thy Will habang ang mga kalahok na Jawo, Within Reach, Jersy Saving, Invicta at Marahuyo ay paratingan sa Pick 6, Pick 5, Pick 4, Super Six at Pentafecta. Tip ni Mang Ding Race 1- Star of Matamis (8) Entry No.2 Race 2-Holy Bullea (3) Lockdown(1) Race 3- Melody Amor (4) Lady Bell (2) Race 4-Summer Cruise (3) Wiling Willie (1) Race 5-Laughing Tiger (6) Shire (1) Red Lion (2) Race 6- Thy Will (7) Jawo (5) Within Reach (4).





Comments