top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

3 GOLD AT 8 PANG MEDALYA, DINAGIT NG 3 NAYPI SA UAE SPECIAL OLYMPICS

Eddie M. Paez, Jr
Mar 21, 2019
2 min read

RAMDAM pa rin ang lakas ng kababaihan nang kumulekta ang Pilipinas ng 11 medalya, kabilang na ang tatlong ginto, sa ginaganap na 2019 Special Olympics World Games sa Zayed Sports City ng Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Sumikwat ang mga Pi­nay na sina Janice Canlas Trini­dad, Sheila Tamayo Galvez at Aivie Luzari Dungca ng kani-kanyang gold medals para panguna­han ang bansa sa pagre-record ng 3-5-3 na gold-silver-bronze medal tally sa kompetisyon.

Iti­nang­hal na reyna si Trinidad, 17-anyos, sa century dash (athletics), nangibabaw si Galvez, 24-anyos sa bocce samantalang walang dumaig sa 22-anyos na si Dungca sa larangan ng gymnastics sa Level 1 All Around event.

Kasama sa mga nakasampa sa podium at nakakuha ng pilak sina Alden Pama Jimenez (athletics), James Villagracia Del Rosario (athletics), Ryan Jay Bongso Hasim (bocce), Lemuel Batiloy (badminton) at Anna Patricia Laborte Ildesa (bowling) sa paligsahang umakit ng mahigit 7,000 na special athletes mula sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig.

Nagkamit din ng tansong medalya sina Perlita Teves (athletics), Mizzel Portado Dawa (bow­ling) at Marlon Tacata Tindoc. (powerlifting).

Samantala, sa 2019 World Youth Bowling Cham­pionships sa France, ma­tamlay ang simula ng mga binatilyong kinatawan ng bansa. Ang mga bowlers ng Pilipinas ay malayo sa final 4 ng boys’ singles event. Sumampa lang sa 8th place si Patrick Nuqui, 18-anyos, habang nasa pang-11 si Da­nielle Evangelista, 17-taong-gulang, sa unang sultada ng boys’ singles event.

Pero lubhang maliwanag ang naging daan sa girls’ singles nang pumang-apat si Grace Gella sa overall matapos makapagpatumba ng 1,374 pins mula sa anim na laro. Sasabak na siya sa semifinals laban sa isang Sin­­­gaporean at kung pa­pa­la­rin ay maka­kapasok siya sa championship round. Ang susunod nilang pu­pun­tirya­hin pag­katapos ng labanan sa singles ay ang podium ng dou­bles, mixed team, all-events at masters.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page