top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Rider dedbol sa aksidente

Pabs Hernandez III
Mar 20, 2019
1 min read

ALBAY—Isang rider ang namatay at sugatan naman ang isa pang rider nang aksidenteng magkabanggaan ang kinalululanan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Basud Bridge sa bayan ng Sto. Domingo sa lalawigang ito.

Nakilala ang nasawi na si Dennis Broqueza, samantalang, ang sugatan ay si Paolo Banares, kapwa residente sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo na minamaneho nina Broqueza at Banares kaya aksidente silang nagkabanggaan sa nasabing lugar.

Dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero idineklarang dead-on-arrival si Broqueza.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page