top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Perang ipinatago ng amo, natalo sa sabong | MISTER NAGLASON, DEDBOL

Paul Lamsen
Mar 20, 2019
1 min read

DEDO ang isang mister matapos lumagok ng lason kamakalawa ng gabi sa Bolinao, Pangasinan.

Kinilala ang nasawi na si Jordan Medina, 56, may asawa, naninirahan sa nasabi ring lugar.

Alas-9:00 ng gabi nang madiskubreng nakabulagta sa sahig ang mister na bumubula ang bibig at amoy lason.

Agad itong isinugod sa ospital subalit, binawian din ng buhay.

Napag-alaman sa mga kaibigan ng biktima na posibleng nagpakamatay ang mister dahil naubos sa sabong ang ipinatagong pera ng kanyang amo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page