Pahiwatig na ililigtas ng matipunong lalaki

Salaminin natin ang panaginip ni Nicole ng Nicole_Leones@facebook. com
Dear Professor,
Tanong ko lang kung bakit palagi akong nananaginip na may kasamang ibang lalaki, hindi ko sila kilala, pero palagi sila sa panaginip ko?
Sana, masagot ninyo ito.
Maraming salamat!
Naghihintay,
Nicole
Sa iyo Nicole,
Sa panahon ngayon, ang pag-aasawa ay sobrang mabilis, kumbaga, talagang hindi magkakilala nang husto ang mag-asawa. Sa ganitong pananaw at kung nagkataong may asawa ka na ngayon, ang ibang lalaki sa panaginip mo ay ang iyo ring asawa.
Kung nagkataon naman na wala ka pang asawa, pero may boyfriend ka na siya ang nasa panaginip mo na magiging asawa mo sa future.
Gayunman, ang lahat ng ito ay isa lang ang itinutumbok na ikaw ngayon ay hindi masaya, nabubuhay sa lihim at malalim na kalungkutan.
Pansamantala, ikaw ay pinapayuhan na maghanap ng saya, kumbaga, gumawa ka ng paraan para sa sarili mo dahil kapag nagpatuloy ang lihim na lungkot ng tao ay nawawala ang orihinal na kagandahan niya dahil papayat ang kanyang mukha, magiging dry o walang sigla ang kanyang mga ngiti.
Pero, higit sa lahat, pumapangit din ang kapalaran niya dahil mas nahahatak nito ang mga negatibong puwersa sa paligid at siya ay matutulad sa isang prinsesa na nakakulong sa sobrang malalim na kalungkutan.
Gayunman, hindi rin sila dapat mawalan ng pag-asa dahil sa bawat kasaysayan ng babae ay palagi ring mayroong tinatawag na “knight in shining armour” na ang ibig sabihin ay ililigtas siya ng matipunong lalaki sa pagkakakulong niya sa malalim na kalungkutan.
Ito ang mensahe ng iyong panaginip. Huwag na huwag mo itong kalilimutan, kumbaga, itanim mo ito sa iyong isipan, ikuwintas mo sa iyong dibdib nang sa gayun ay mangyari ito sa iyong buhay.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments