FEU BOOTERS, NUMERO UNO SA 1ST ROUND NG UAAP FOOTBALL


NAGTAPOS na no.1 ang Far Eastern University sa first round kasunod ng 2-1 paggapi nila sa De La Salle noong Linggo ng hapon sa UAAP Season 81 Men’s Football Tournament sa FEU-Diliman pitch.
Umiskor si Nikki Canonigo sa 83rd minute para giyahan ang Tamaraws sa pagtapos ng first round na may apat na panalo at tatlong draws.
Sa kabuuan ay nakatipon ang FEU ng 15 puntos, 5 puntos ang agwat sa pumapangalawa sa kanilang University of Santo Tomas na sinamahan ng Ateneo de Manila at University of the Philippines pagkaraang magsipagwagi sa kani-kanilang katunggali.
Tinalo ng Blue Eagles ang National University Bulldogs, 4-0 habang inungusan ng Fighting Maroons ang University of the East Red Warriors, 2-1.
Dalawang beses nakaiskor ng goal si Rupert Baña para sa Ateneo habang nagdagdag ng tig-isang goal sina Mark Nacional at Martin Ordoñez.
Si King Miyagi naman ang nagdeliber ng winning goal sa stoppage time para sa UP para makalikom ng 10 puntos kapantay ng Ateneo at UST. Kasunod naman nila ang Green Booters na may 9 na puntos.
Samantala nanatili namang may 7 puntos ang Red Warriors at 5 puntos naman ang Bulldogs. (VA)





Comments