top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Budget ng agri, taasan ng 10 beses — Digong

Gina Pleñago
Mar 20, 2019
1 min read

MATUTULOY na ang planong pagpapabuti sa sektor ng agrikultura sakaling matupad ang panukala ni Pangulong Rodrigo Duterte na itaas ng 10 beses ang budget para sa Department of Agriculture (DA)

Sa pulong ng mga gabinete, sinabi ni Pangulong Duterte na itataas nito ang budget ng sektor ng pagsasaka upang siguraduhin na sapat ang suplay ng pagkain para sa mga Pilipino.

Sa ngayon, tumataas ang populasyon ng bansa nang 2 milyon kada taon.

Ayon kay DA Secretary Emmanuel Piñol, tiniyak ng pangulo na mas malaki ang bahagi ng national budget na ibibigay sa mga magsasaka at mangingisda sa susunod na taon.

Kasalukuyang nasa P49 bilyon ang budget ng DA ngunit, sinabi na ni Piñol na inatasan siyang magsumite ng budget na 10 beses ang halaga para sa 2020.

Samantala, ayon kay Jiggy Manicad, ang karagdagang budget ay maaaring gamitin upang magpatayo ng mas maraming irrigation facilities at mas modernong mga sistema ng patubig lalo na sa mga lugar na apektado ng El Niño. Ang mga sakahan na may sapat na patubig ay nakakapag-ani ng mga tatlong beses sa isang taon habang ang mga sakahan na umaasa lamang sa ulan ay hanggang isang beses lang sa isang taon kumikita.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page