top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ay, naku, naku, naku!!! SINGER-ACTRESS, NAG-DONATE NGA NG MGA GAMIT PARA SA CHARITY, SUPER-LUMA AT

Erlinda Rapadas T.
Mar 20, 2019
2 min read

Blind Item:

MAY grupo noon na lumapit sa isang dating sikat na singer-actress upang mag-solicit ng ilan niyang gamit at memorabilia para i-auction at gawing fundraising project para sa charity na kanilang tinutulungan.

Nangako naman ang singer-actress na magbibigay at ipadadala sa venue ng auction-fundraising project kaya tuwang-tuwa ang mga fans and supporters niya. Excited na silang makabili ng pre-loved items at memorabilia ng iniidolong singer-actress.

At noong mismong araw ng auction, maaga pa ay dumagsa na ang mga fans upang makauna sa pagbili ng items ng kanilang idolong singer-actress. Pero laking dismaya ng mga fans dahil ang ibinigay na pre-loved items ng singer-actress ay kasingluma na niya.

Ang mga damit, super-luma na at wala sa uso, pati na ang mga ginamit na accessories. Hindi mo mai­pagmamalaki na gamit ng isang celebrity. Walang items na worth bilhin, tapos pagkamahal-mahal pa!

Ang ending, super-duper flop ang nasabing auction-fundraising ng singer-actress dahil dined­ma lang ito ng mga fans niya.

Samantala, tiyak daw na mami-miss ni Ken ang tenement sa Taguig City kung saan nagteteyping ang My Special Tatay. Mababait at very behave at cooperative raw ang mga naninirahan sa tenement kaya smooth ang kanilang taping.

Sa pagkakaalam namin, nanirahan din noon sa tenement sa Taguig sina Michael V., Marvin Agustin, at ang yumaong comedian na si Rene Requiestas.

Napansin lang namin nang kami ay mag-set visit sa My Special Tatay na matagal nang napapabayaan ng mga residente sa tenement ang nasabing building. Mukhang marumi at dugyot na ang hitsura, kumupas na ang pintura at maraming kalat sa paligid.

Puwede namang magtulung-tulong at magba­yanihan ang mga naninirahan du’n upang gumanda naman ang panlabas na hitsura ng tenement.

Bale ba’y ipinagmamalaki pa ng ilang taga-tenement na maraming nagsu-shooting na pelikula ru’n at may mga foreigners ding gumagawa ng documentary na ginagamit ang tenement sa istorya.

May malaking basketball court din sa loob ng tenement at dito pa nga raw nagturo sa mga kabataan ang basketball superstar na si Lebron James nang pumunta sa ‘Pinas.

Puwedeng ang pamahalaan na rin ng Taguig ang kumilos upang ma-rehabilitate ang tenement.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page