top of page
Pokwang.jpg

Aktor, tuwang-tuwa… KEN, KA-LEVEL NA NINA DENNIS, DINGDONG AT JERICHO

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 20, 2019
2 min read

FLATTERED si Ken Chan sa pagkakasama niya kina Dennis Trillo, Dingdong Dantes, Jericho Rosales at ilang aktor na napansin at nominees bilang magagaling na TV actors na igagawad ng isang award-giving body.

Napansin at nagmarka si Ken sa mga viewers dahil sa napakagaling na pagkakaganap niya bilang si Boyet sa My Special Tatay. Nalagpasan na rin ng My Special Tatay ang lakas at impact noon ng Destiny Rose na biggest break ni Ken.

Maraming nakaka-relate sa Boyet character niya kaya dinudumog sila ni Rita Daniela sa kanilang mga mall tours at regional shows.

Samantala, tiyak daw na mami-miss ni Ken ang tenement sa Taguig City kung saan nagteteyping ang My Special Tatay. Mababait at very behave at cooperative raw ang mga naninirahan sa tenement kaya smooth ang kanilang taping.

Sa pagkakaalam namin, nanirahan din noon sa tenement sa Taguig sina Michael V., Marvin Agustin, at ang yumaong comedian na si Rene Requiestas.

Napansin lang namin nang kami ay mag-set visit sa My Special Tatay na matagal nang napapabayaan ng mga residente sa tenement ang nasabing building. Mukhang marumi at dugyot na ang hitsura, kumupas na ang pintura at maraming kalat sa paligid.

Puwede namang magtulung-tulong at magba­yanihan ang mga naninirahan du’n upang gumanda naman ang panlabas na hitsura ng tenement.

Bale ba’y ipinagmamalaki pa ng ilang taga-tenement na maraming nagsu-shooting na pelikula ru’n at may mga foreigners ding gumagawa ng documentary na ginagamit ang tenement sa istorya.

May malaking basketball court din sa loob ng tenement at dito pa nga raw nagturo sa mga kabataan ang basketball superstar na si Lebron James nang pumunta sa ‘Pinas.

Puwedeng ang pamahalaan na rin ng Taguig ang kumilos upang ma-rehabilitate ang tenement.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page