top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

5 bagets huli sa aktong nagdodroga sa sementeryo

  • Maeng Santos
  • Mar 20, 2019
  • 1 min read

LIMANG bagets kabilang ang tatlong menor-de-edad ang nahuli sa akto ng mga pulis na sumi­singhot ng marijuana sa sementeryo sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Malabon Police Chief Sr. Insp. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na sina Sean Matthew Lomongo, 19; Eric Bryan Espinosa, 19, at tatlong edad 16 hanggang 17.

Ani Sr. Supt. Tamayao, alas-9:00 ng gabi, nagpapatrulya ang mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct (PCP) 4 sa ilalim ng pangangasiwa ni SPO3 Randy Santiago sa Tugatog Public Cemetery, Bgy. Tugatog nang mapansin ang ilaw sa loob ng isang columbarium.

Nang puntahan ng mga pulis, nahuli sa akto ang mga suspek na nagpapalitan sa pagsinghot ng marijuana sa taas ng nitso na naging dahilan upang arestuhin ang mga ito.

Narekober ng pulisya sa mga suspek ang lighter, dalawang improvised glass tubes at apat na sachets na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page