You consume alcohol, you use a loofah, you avoid veggies etc… 6 THINGS KUNG BAKIT NAGDA-DRY ANG BAL
No Problem

MARAMI sa atin ang naniniwala na lifestyle at skin type ang pangunahing sanhi ng pagkakaroon ng dry skin. Kaya ‘yung iba, eh, todo at OA na sa pag-i-skin care para lang makaiwas sa pagkakaroon nito, gayundin ang pagkakaroon ng magandang balat. Pero, mga beshy, knows ba ninyo na may ilang bagay tayong nakasanayan na posibleng maging sanhi ng dry skin? Narito ang ilang bagay na nakapagpapa-dry ng ating balat:
1. YOU USE A LOOFAH. True namang kailangan nating maghilod, pero, besh, hinay-hinay lang dahil ang labis na paghihilod ay maaari umanong maging sanhi ng dry skin dahil natatanggal nito ang good bacteria sa ating balat.
2. YOU TAKE HOT SHOWERS. Marami ang may gusto at palaging gumagawa nito dahil sa paniniwalang natatanggal ng mainit na tubig ang dumi sa katawan, gayundin na nakare-relax ito. Ngunit, ayon sa mga eksperto, natatanggal nito ang natural oil sa katawan dahilan para lalong mag-dry ang balat.
3. YOU INDULGE IN DIET SODA. Ayon sa mga eksperto, ang artificial sweeteners ay nakaaapekto rin sa insulin levels at nakapagpapataas ng inflammation. Ang mataas na insulin level umano ay nagiging sanhi ng hormonal imbalance at skin disorder.
4. YOU FORGET DAILY SUNSCREEN. Nakatutulong sa pagpe-prevent ng skin problems ang paggamit ng sunscreen ngunit, kailangan itong gamitin, araw-araw, partikular kung ikaw ay magsu-swimming o mae-exposed sa araw. More SPF level, more fun! He-he-he!
5. YOU CONSUME ALCOHOL. Ang alak ay mayroon umanong diuretic effect kung saan nagiging sanhi ito ng mabilis na produksyon ng ihi na posibleng mapunta sa dehydration. Gayundin, napababagal ng alak ang produksiyon ng vasopressin kung saan ito ang nagiging dahilan upang hindi ma-absorb ang tubig na kailangan ng katawan.
6. YOU AVOID VEGGIES. Sa mga hindi mahilig kumain ng gulay d’yan. Ayon sa mga eksperto, base sa ilang pag-aaral, ang mga gulay ay nagtataglay ng antioxidants kung saan nakatutulong ang mga ito sa pagpapabagal ng signs of aging, gayundin sa pagpoprotekta mula sa sunburn, inflammation at DNA damages.
Bagama’t, marami nang nauusong mga skin care product upang maiwasan ang pagka-dry ng balat, make sure na nababantayan n’yo rin ang inyong daily routine dahil baka hindi n’yo alam na ‘yung paborito ninyong gawin, eh, ‘yun pa ang makasisira sa balat ninyo. Have a healthy lifestyle and glowing skin, beshy! Copy?





Comments