Sapaw daw sa co-singer na 3 ang nominasyon, siya, isa lang… JK, TODO-IWAS MAKASAMA SI DARREN SA STAG
- BULGAR

- Mar 19, 2019
- 1 min read

USAP-USAPAN ang maagang pag-alis ni JK Labajo sa ginanap na mediacon para sa announcement ng mga nominado sa Myx Music Awards 2019. Hindi pa kasi nagsisimula ang presscon ay umalis na agad si JK.
Siyempre, ‘di maiaalis na gawan ng isyu ang biglang pag-alis ni JK sa event. At ang mainit na inaanggulo ng mga writers, TV reporters at bloggers sa mediacon ay baka iniwasan niyang magkasama sila sa stage ni Darren Espanto na may tatlong nominasyon sa Myx Music Awards this year.
Umuusok pa kasi ang isyu sa pagmura ni JK sa isang audience sa ginanap na Rakrakan Music Festival kamakailan dahil paulit-ulit na sumigaw ng “I love you, Darren!”
Bukod kay Darren, bulung-bulungan din ang listahan ng nominasyon ng Myx Music Awards. Baka raw kasi napansin ni JK or whoever sa mga namamahala ng kanyang career na iisa lang ang nakuhang nominasyon ng hottest singer today.
Kung naka-tatlo si Darren, isa lang ang nakuhang nominasyon ni JK at ‘yan ay sa Song of the Year category para sa awitin niyang Buwan.
But we would like to give JK the benefit of the doubt na may iba pa siyang mahalagang dahilan kaya umalis agad sa event and hopefully, walang kinalaman si Darren.





Comments