ONE NEW ERA: MAPAPASABAK MULI SI PINOY FOLAYANG AT IKEDA


MAY ibubuga si Pancrase Flyweight World Champion Senzo Ikeda nang unang lumaban sa ONE Championship kung kaya muli siyang babanat sa isang highly-anticipated eight-man ONE Flyweight World Grand Prix sa idaraos na ONE: A New Era. Pinalitan niya si Andrew Leone, na puwersahang umatras dahil sa injury.
Si Ikeda, may hawak na professional mixed martial arts record na 12-6-1, ay isang dating undefeated boxer at nasungkit niya ang Pancrase Flyweight World Championship sa bisa ng unanimous decision victory kontra Mamoru Yamaguchi noong Agosto 2017, at ngayon ay isa nang beteranong Japanese martial arts fighter.
Nagmula sa sensational fifth-round stoppage victory laban kay ONE Flyweight World Grand Prix entrant Yuya Wakamatsu, pakay ni Ikeda na itatak ang impresyon sa kanya sa unang debut fight kontra Filipino phenom Danny Kingad.
Hawak naman ni Danny “The King” Kingad, dating ONE World Title challenger at premier flyweight talent mula sa Team Lakay ng Baguio City ang impresibong professional record na 12-1.
Ang tunay na mandirigma mula sa bulubundukin ng Pilipinas, ang 23-anyos na dynamo ay isang napakalupet na striker at napakahusay din sa grappling skills.
Sa nakaraang laban tinalo ni “The King” si Japanese star Tatsumitsu “The Sweeper” Wada sa unanimous decision at malagay sa spot ng ONE Flyweight World Grand Prix.
Itatampok sa ONE: A New Era ang ‘best at brightest stars ng ONE Championship, kabilang na si ONE Lightweight World Champion Eduard “Landslide” Folayang na dedepensa ng kanyang titulo kontra Japanese legend at former ONE World Champion Shinya “Tobikan Judan” Aoki sa main event.
Mayroon ding trio ng co-main events. Itataya ni ONE Women’s Strawweight World Champion “The Panda” Xiong Jing Nan ang korona kontra ONE Women’s Atomweight World Champion “Unstoppable” Angela Lee.
Gayundin si ONE Middleweight and Light Heavyweight World Champion Aung La “The Burmese Python” N Sang ay ilalatag ang middleweight crown kontra Japan’s Ken Hasegawa sa rematch.
Dedepensahan ni ONE Bantamweight World Champion Kevin “The Silencer” Belingon ang kampeonato kontra dating titleholder Bibiano “The Flash” Fernandes sa trilogy match. (MC)





Comments