top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Modus sa water distribution, malapit nang mabuking?! Hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2019
1 min read

SINUSURI ng pulisya ang anggulo ng “human organs for sale” syndicate sa malagim na pagpatay sa isang dalagita sa Cebu City.

Dapat lang!

◘◘◘

MARAMING kinikidnap na paslit, pero bakit hindi ito iniimbestigahang mabuti?

Delikado ‘yan!

◘◘◘

BINAWI na ang bersiyon ng Kamara ngayong 2019 National Budget.

Dapat lang!

◘◘◘

MALAPIT nang mabisto ang “modus” sa distribution ng tubig sa Metro Manila.

Matagal nang raket ‘yan!

◘◘◘

TULUYAN nang tumiwalag ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC).

Tulad ng UN, ang ICC ay ins­tru­mento ng malalaking bansa upang diktahan ang mahihinang Republika tulad ng Pilipinas!

◘◘◘

PAREHO ang dahilan sa pagbagsak ng Boeing Max sa Ethiopia at Indonesia.

Dapat silang magbayad ng bilyones na danyos sa mga naulila!

◘◘◘

HINDI lahat ng “made in USA” ay mahusay.

Kasama rito ang mga sopisti­kadong eroplano!

◘◘◘

NABABALEWALA na ang “intel report” kasi aminadong kapos sa ebidensiya.

Kung gayun, ‘yan ay “bopol report”!

◘◘◘

KAPAG puwedeng pagbatayan ng pagiging “guilty” ang intel report, para saan pa ang hukuman?

Hindi nauunawaan ng gobyerno ang kahulugan ng “demokratikong proseso”!

◘◘◘

NAGBABALIK ang mga bansa sa panahon ng kaharian na iisa lang ang batas.

Ang utos ng hari ay hindi nababali!

◘◘◘

‘YAN din ang dogma ng relihiyon.

Hindi nagkakamali ang Diyos!

◘◘◘

SA demokrasya, hindi ang tama at mali ang batayan ng batas.

Ang batayan ng batas ay ang mayoryang desisyon ng mga Mahistrado, kahit mali!

◘◘◘

SA demokrasya, iginagalang lang ang minorya, pero hindi nasusunod.

Kahit ang minorya ang “tama”, wala itong silbi sa demokratikong proseso!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page