Mga ex-BFs, kaya never na raw babalikan… VICE, UMAMING 4 MONTHS NA SILA NG BAGONG PAPA
- BULGAR

- Mar 19, 2019
- 2 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MASAYANG inamin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na four months na siyang in a relationship.
Noong Linggo (March 17), guest ni Vice ang aktres na si Angelica Panganiban sa late-night talk show niyang Gandang Gabi Vice.
Masayang pinag-usapan ng dalawa ang kanilang mga past relationships at pagmu-move on na kanilang pinagdaanan sa segment na Shot or Answer, kung saan pipili ang guest kung sasagutin ang tanong o iinumin ang isang shot ng weird mixed drink.
Sa naturang episode, nag-share si Vice Ganda ng ilang experiences sa kanyang love life at inaming sa lahat ng kanyang mga nakarelasyon ay wala siyang balak balikan dahil masaya na siya sa estado ng love life niya ngayon.
“Ako, wala na [akong babalikan], okay na ako sa present,” pahayag ni Vice na ikinakilig ni Angelica at ng studio audience.
Kaya biglang tinanong ni Angelica si Vice kung may karelasyon ba ito ngayon.
Aniya, “May jowa ka ngayon, ‘noh?”
Pag-iwas na sagot ni Vice, “Ay, taray! Sinagot din talaga. ‘May jowa ka ngayon, ‘noh?’ ‘Yun ‘yung budol! ‘Yung tanong mo, sinasagot mo din!”
Kaya inulit ng aktres ang tanong sa comedian, na sinagot ni Vice ng, “Oo!” at ikinakilig ito ng lahat.
Hindi pa natigil ang pangungulit ng aktres at tinanong pa si Vice kung sino ang misteryosong BF ng comedian.
Sey ni Vice, “Kilala mo, ‘di ba? Ipina-meet ko na sa ‘yo, ‘di ba?”
Ayaw pa ring magpaawat ni Angelica at pinipilit talagang aminin ni Vice kung sino ang kanyang BF.
“Siya na ‘yun!” na lang ang naisagot ni Vice dahil mukhang ayaw pa niya talagang aminin kung sino ito.
Hirit uli ni Angelica, “Matagal na ba kayo? Paano kayo nagkakilala?”
Lalong kinilig ang aktres at ang studio audience nang aminin ni Vice Ganda na “four months” na sila ng kanyang papa ngayon, sabay sigaw ng “May jowa si bakla!”
Sagot naman ni Angelica, “I’m happy for you, ‘teh.”
Samantala, sa episode rin na ito nakunan ang litratong kumalat sa social media na diumano’y inamin na raw nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez ang kanilang relasyon. Pero sa buong episode noong March 17, ‘di man lang nabanggit ang pangalan ni Kuya Escort.





Comments