May kasong child pornography | PUGANTENG KANO, TIMBOG

NADAKIP ng pinagsanib na tauhan Manila Police District (MPD), U.S. Homeland Security Investigations (HSI) agents at Bureau of Immigration (BI) ang isang U.S. citizen na wanted sa kasong child pornography sa isinagawang operasyon noong Sabado sa Angeles City, Pampanga.
Si Joel Aquino Pasay, U.S. citizen ay pumuslit sa Amerika matapos kasuhan sa United States District Court, District of Nevada, ng paglabag sa Title 18 U.S. Code 2252A (a)(2), Receipt of Child Pornography noong Mayo 2, 2017.
Tinakasan umano ni Pasay ang kaso at bumalik sa Pilipinas upang magtago.
Si Pasay ay nasa kustodiya na ng Fugitive Service Unit ng BI at pinoproseso na ang kanyang deportasyon para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.





Comments