top of page
Pokwang.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAKAAHON SA MGA PROBLEMANG PAMPINANSIYAL SA TAONG 20

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Malalaki na ang dalawang anak ko ngayon, ngunit, hindi kami kasal ng kanilang ama at nagkahiwalay na kami nang matagal na panahon.

Sa ngayon ay may kinakasama ako na hiwalay din sa asawa dahil may iba nang lalaki ang misis niya. Itatanong ko lang kung ano ang magiging kapalaran namin habang kami ay nagsasama?

Nais ko ring malaman kung kailan ako makaaahon sa mga problemang pampinansiyal? September 17, 1970 ang birthday niya at February 1, 1969 naman ang birthday ko.

Umaasa,

Ms. Aqua Girl ng San Gregorio, Cabiao, Nueva Ecija

Dear Ms. Aqua Girl,

Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit ang Aquarius na tulad mo at ang Virgo na tulad ng lalaking kinakasama mo kung minsan ay pinagtatagpo ng tadhana, gayung sa katotohanan ay hindi naman talaga sila compatible sa isa’t isa, posibleng hindi dahilan ang zodiac sign na inyong tinataglay kundi ang mga numerong bumabalot sa inyong pagkatao.

Sa kaso mo at sa kaso ng kinakasama mo, pansining kapwa strong number ang birth date mong 1 at ang birth date na 17 o 8 (1+7=8) ng kinakasama mong lalaki kung saan ang basic rule sa Numerology — ang parehong strong number ay kusang naghihigupan ng lakas kaya kung minsan, hindi nila naiiwasang nagkakalapit talaga sila ng loob.

Sa madaling salita, kung mananatili o palaging may mag­papaka-weak sa inyo, sa kabila ng kapwa strong number ang inyong mga birth date, siguradong magtatagal at magi­ging maligaya ang inyong relasyon.

Dagdag pa rito, kapag ang mag-asawang kapwa may strong number ay nagpasensiyahan talaga sa isa’t isa na pa­lagi namang natatagpuan sa bandang huli ng kanilang buhay kaya sila ay yumayaman higit lalo sa panahong nagtatrabaho na sa abroad ang kanilang mga anak.

‘Yun ang saktong salita, nagtatrabaho na sa abroad ang kanilang mga anak o kaya naman ay may kani-kanya nang negosyo dahil karamihan sa mga mag-asawang kapwa may strong number ay nakapag-a-abroad ang mga anak at dahil sa mga anak na nakapangibang-bansa o kaya ay nakapagne­gosyo, ‘yun ang nagpapayaman at nagpapasagana sa kanilang kabuhayan.

Kaya para sa pagbubuod ng pag-aanalisang ito, isa lang ang dapat at palagi ninyong tandaang mag-asawa na kapwa nagtataglay ng strong number. Tandaang una, bago maging successful ang inyong samahan babayuhin muna kayo ng maraming mga pagsubok dahil pareho kayong may strong number, nand’yan ang pambababae ni mister o panlalalaki ni misis.

Ngunit, kapag nalabanan ninyo ang nasabing mga balakid, hindi kayo naghiwalay at nanatili kayong magka­kapit-bisig at nagmamahalan, sa puntong ‘yun ay unti-unti ninyong mararanasan ang maunlad, maligaya at masaga­nang pamumuhay kasabay ng pagtatagumpay ng inyong mga anak sa propesyon nila, habambuhay.

Sa taong 2021, sa edad mong 52 pataas at 51 naman si mister, tiyak ang magaganap, unti-unti na kayong makaa­ahon sa mga problemang pampinansiyal hanggang sa tuluy-tuloy nang umunlad at yumaman ang inyong pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page