top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Bukod sa pagsusuot ng mask at helmet, mga lodi! SAFETY TIPS PARA SA MOTORCYCLE RIDERS NA NAGTA-TRAVE

  • Jersey Sanchez
  • Mar 19, 2019
  • 2 min read

MASAYA naman talagang mag-travel o mag-ride dahil minsan lang naman natin ito nagagawa, pero siyempre bago ang lahat, kaligta­san muna natin ang dapat nating isa­alang-alang. Sa nga­yon, usung-uso na ang pagta-travel ng nakamotorsiklo, ‘yung tipong gru­pu-grupo kayo. He-he-he! Ang saya! Kaya narito ang ilang safety tips para sa mga motorcycle ri­der:

1. RESPECT ALL TRAFFIC LAWS ON THE ROAD. Of course, dapat alam natin na dapat ta­lagang sinusunod ang ba­tas-trapiko, lalo na at medyo delikado talaga ang pagsa­kay sa motor­siklo dahil ta­kaw dis­grasya ito.

2. MAINTAIN A GOOD SPEED. True, da­pat huwag kayong tumulad sa fast and furious, kung ayaw nin­yong madis­grasya at ma­huli dahil sa sob­rang bilis ninyong magpa­takbo. ‘Ika nga, hinay-hinay lang dahil makararating din kayo sa inyong pa­tu­tunguhan. Okidoki?

3. EDUCATE YOUR PASSENGER. Bukod sa mismong nagmamaneho, dapat maging ang pasa­hero o angkas ay may alam din kung ano ang kanyang mga dapat ga­win, hindi ‘yung pabebe o maarte dahil kung ga­nu’n lang din ang magi­­ging ugali nila, mas better kung magkokotse o mag­ko-com­mute na lang.

4. AVOID BAD WEA­THER. Kung may bagyo o baha, huwag ng piliting umalis pa. Totoo naman na masayang mag-travel, pero mas magiging ma­saya kung ligtas ang in­yong buhay, ‘di ba?

Ire-sched na lang ninyo ang inyong lakad, mga beshy!

5. RIDE DEFEN­SIVELY OR IN A GOOD MOOD. Kung galit o wala kayo sa mood, huwag na nin­yong pilitin pang magma­neho dahil baka kung ano lang ang mangyari sa inyo.

Mas ma­­­inam kung mag­pa­pa­kalma muna kayo bago kayo pu­munta sa desti­nas­yon ninyo.

Oh, ayan, masaya ang mag-travel dahil kailangan din natin ito sa ating bu­hay.

Pero, make sure na su­sundin ninyo ang mga tip na ito nang sa gayun ay maging ligtas ang biyahe ninyo.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page