Bagong ka-live-in daw ng gay comedian… KALAT NA: VICE, SUGAR MOMMY NI ION


NATSI-CHEAP-AN ang mga netizens sa mga lalaking feel na feel na magpagamit at ma-link sa comedian-TV host na si Vice Ganda.
Kahit pa sabihin na may consent at pumapayag naman si Vice na maugnay sa kanya ang mga lalaking ang habol lang ay exposure at material things, still, parang nakakabawas ang ganito sa ego at macho image ng isang lalaki.
Tulad ni Kuya Escort Ion Perez ng It’s Showtime na bago raw “flavor of the month” ni Vice Ganda. Bukod sa exposure sa It’s Showtime at pagkakaroon ng career, balitang ka-live-in na raw ito ng comedian-TV host.
Kaya naman, may mga akusasyon na sinasamantala raw ni Kuya Escort ang kahinaan ni Vice Ganda. Ginagawa raw nitong sugar mommy ang main host ng It’s Showtime.
Well, sariling buhay naman ‘yun ni Vice Ganda at malaya siya kung sinuman ang gusto niyang mahalin, kahit pa alam niya na pansamantala lang ang lahat at walang lalaking magseseryoso sa kanya.





Comments