top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

After mag-ober da bakod… EMPRESS, IPINAGSIGAWANG MASAYA SA SIYETE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 19, 2019
2 min read

ANG daming pumupuri kay Empress Schuck sa kanyang pag­ga­nap bilang Wena sa Hiram na Anak na kasalukuyang napa­panood sa afternoon slot ng GMA-7.

Nagsimula ang serye last February at sa pilot week pa lang ay lutang na lu­tang na agad ang karakter ni Empress. Sobrang intense ang kanyang mga eksena and very challenging din.

Ayon kay Empress, talagang sob­rang saya niya sa kanyang role especially comeback teleserye niya ito sa Kapuso Network after Kailan Ba Tama ang Mali? in 2014.

“Mas gusto ko po (ang kanyang role), kasi something new. Mas gusto ko na ngayon gumawa ng hindi ko pa na­gagawa dati. So, kahit ano’ng i-offer nila sa akin na bago para sa akin, gusto ko pong tanggapin,” she said.

Masaya rin si Empress na naka­ka­lipat-lipat siya ng network ngayon. Before Hiram na Anak ay napanood siya sa Asintado ng ABS-CBN.

“Ang dami talagang nagtatanong bakit paiba-iba (ng network). Siguro, open na talaga ‘yung mga networks sa ganyan ngayon, na hindi naman kaila­ngan ng kontrata. Ang contract ko is per program na lang po and with my manager (Becky Aguila).

“So, I think, mas okay na rin po ‘yung ganito. Kasi ‘yung iba, nate­tengga, hindi sila makapag-work, ‘di ba?”

Malaki na rin ang ipinagbago ng aktres dahil open na siya ngayon to do sexy stuff.

“Mas kaya ko na ngayon kesa noon. Basta ready ‘yung katawan ko, go lang. Mas open-minded na ako sa mga io-offer sa akin. Kasi, usually, ang mga offers sa akin, sobrang conservative.”

How far can she go?

“May limitations, siyempre, walang nudity, ganyan. Hindi ko kaya. Pero kung mga for arts, suggestive, gusto ko po siyang i-try. Kasi dati, it’s a no-no talaga, eh. Pero ngayon, since I wanted to offer something new to the viewers, gusto ko ring i-challenge ang sarili ko na kung hindi ko ito ginawa dati, try kong gawin nga­yon, baka naman kaya ko na.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page