Absent sa 2 events | P-DIGONG, MAAYOS ANG KONDISYON — PALASYO

TINIYAK ng Malacañang na nasa maayos na kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kasunod ng hindi nito pagdalo sa dalawang event sa Davao City nitong Biyernes.
Nakatakda sanang pangunahan ng pangulo ang distribution of Certificates of Land Ownership Awards (CLOAs) sa Davao Region farmers at ang campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ngunit, hindi nakasipot sa dalawang events.
Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher ‘Bong’ Go, nakaranas ng migraine ang pangulo.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sumakit ang ulo ni P-Duterte.
Ani Panelo, matapos naman ang tatlong oras na pahinga, bumalik na agad sa trabaho si Pangulong Duterte.
Nitong weekend din ay naging abala aniya si Pangulong Duterte sa ilang dokumentong kailangan niyang pag-aralan.
“He had a migraine. But after three hours of rest, he recovered and he went to work reading so many documents. He just stayed in the house,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.
“He is okay. As I said, he concentrated on his work - the paper work, there are so many things to read and to study,” pahayag pa ng kalihim.
Hindi pa naman aniya nakakabalik sa Maynila ang Punong Ehekutibo at nasa Davao pa rin.
“I suppose he is in Davao. I looked at his schedule and still in Davao,” ani Panelo.





Comments