top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

10 lugar sapol sa bagyong chedeng

  • V. Reyes
  • Mar 19, 2019
  • 1 min read

NAKATAAS na ang babala ng Bagyong Chedeng sa 10 lugar sa bansa at ngayong araw, Martes, inaasahan ang landfall nito sa bahagi ng Davao.

Batay sa huling abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal (TCWS) No. 1 sa Davao Oriental, Compostela Valley, Davao del Sur, Davao City, General Santos City, Davao Occidental, katimugang bahagi ng Davao del Norte kasama ang Samal Island, silangang bahagi ng North Cotabato, silangang bahagi ng South Cotabato at silangang bahagi ng Sarangani.

Huling namataan ang bagyo sa layong 370 kilometro ng silangan-timog silangan ng Davao City.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na hanggang 45 kilometro kada oras at pagbugsong hangin hanggang 60 kilometro kada oras. Kumikilos ang Tropical Depression Chedeng sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Ayon pa sa PAGASA, asahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Caraga at Davao Region, partikular na sa Surigao del Sur, eastern portion ng Agusan del Sur, Davao Oriental at Compostela Valley.

Magiging maulan din sa Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro at Zamboanga Peninsula.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page