top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

TIGRESSES, SUMAKMAL NG 3RD WIN, SWAK NA SA 2ND SPOT NG UAAP

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2019
1 min read

TINAPOS ng University of Santo Tomas ang first round sa pamamagitan ng tatlong sunod na panalo, makaraang walisin ang University of the East, 25-18, 25-14, 25-20, upang makasalo sa ikalawang puwesto kahapon sa UAAP Season 81 Women’s Volleyball Tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagsanib puwersa sina graduating spiker Sisi Rondina at Eya Laure upang pangunahan ang Tigresses sa nasabing panalo na mistulang pagbawi na rin nila sa kabiguang natamo noong nakaraang taon sa second round ng kamay ng Lady Warriors.

Tumapos si Rondina na may 17 attack points bu­kod pa sa 10 excellent receptions at 7 digs habang nag­dagdag naman si Laure ng 15 puntos mula sa 11 spikes, at tig- dalawang aces at blocks. “Maganda ‘yung start namin, regardless nag-2-2 kami maganda pa rin puwesto namin kahit pa­pa­ano,” wika ni UST coach Kungfu Reyes.

“Noong nagi-start kami, nagsisimula kami 0-2, 1-3, 2-3 ngayon talagang napakaganda nu’ng naging development nu’ng team namin ngayon,” dagdag nito. “Ang naging pangit lang talaga is nawalan kami ng isang tao si Milena (Alessandrini) pero with regards sa standing malayung-malayo sa start ko noong three years. Sana ito na nga at least nandun kami sa top 3 so far ng 1st round.”

“So, maganda-gandang motivation pagpasok ng second round,” ayon pa kay Reyes.

Nalugmok ang Lady Warriors sa ika-4 na sunod na pagkatalo upang tuma­pos sa first round na may 1-6, panalo-talong marka. Na­ngu­na para sa UE si Judith Abil na may 15 puntos, 14 ex­cellent receptions at 7 digs. (VA)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page