ROAD WARRIORS, PINISAK ANG ELITE
- BULGAR

- Mar 18, 2019
- 2 min read

SINAGASAAN ng NLEX Road Warriors ang two-game winning streak matapos kalusin ang Blackwater Elite 122-101 kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.
Tumikada si Philip Paniamogan ng 25 points at siyam na assists upang ilista ang 4-5 karta ng Road Warriors at manatiling may tsansa na sumampa sa eight-team quarterfinals.
Humarurot agad ang Road Warriors sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang 15-point lead, 57-42 sa halftime. Hindi nanlamig ang makina ng NLEX sa third canto, nanatiling hawak ang malaking bentahe, 89-72 papasok ng fourth quarter.
Nakapagtala ng biggest lead na 29 points ang NLEX matapos isalpak ni Paniamogan ang two-point layup para sa 84-55 bentahe may 4:49 minuto pa sa third.
Tumipa si Allein Maliksi ng 20 markers at pitong boards para sa Elite na nabaon sa ilalim ng team standings kasama ang 2-8 card.
Samantala, lumanding sa Group D ang Gilas Pilipinas kasama ang Angola, Italy at Serbia sa ginanap na FIBA World Cup Draw sa Shenzen Bay Arena.
Ayon kay Team Pilipinas head coach Yeng Guiao walang mahinang teams ang makakatapat nila sa kanilang grupo pero itotodo nila ang lahat ng lakas upang makasabay sa mga dekalibreng bansa tulad ng Italy at Serbia.
“There are no weak teams in our group, We are probably the weakest team and certainly the underdogs,” pahayag ni Guiao. “ But We will go to the World Cup with a positive attitudes. With a mindset that we can win one or maybe two games that will enable us to the next round. “
Haharapin ng Pilipinas ang Italy sa Agosto 31, sunod ang Serbia sa Setyembre 2 at huli ang Angola sa Setyembre 4.
Ang top two finishers ay aabante para kalabanin ang top two teams sa Group C na kinabibilangan ng Spain, Iran, Puerto Rico at Tunisia. (ATD)
Mga laro sa Miyerkules:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. - Alaska vs Meralco:
7:00 p.m. - Magnolia vs NorthPort


Comments