top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Pusher pumalag sa pulis, utas

Levi Gonzales
Mar 18, 2019
1 min read

PATAY ang sinasabing tulak ng droga matapos umanong manlaban sa inilatag na buy-bust operation sa Bgy. San Pedro, San Pablo City, Laguna.

Ayon sa report, alas-8:15 ng gabi nang ikinasa ang operasyon laban sa suspek na si Jeffrey Cado, may sapat na gulang.

Nakahalata umano na police asset ang kanyang kausap sa bibilhing shabu kaya mabilis umanong hinugot ang kanyang cal. .45 sa beywang.

Agad nitong binaril ang nagpanggap na buyer na masuwerteng hindi tinamaan.

Nakaganti agad sila ng putok hanggang sa duguang bumulagta ang suspek.

Nadala pa ito sa pagamutan ngunit, binawian din ng buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page