Pahiwatig na yayaman sa pagnenegosyo

Salaminin natin ang panaginip ni Maglantay ng Maglantay_Judy@facebook.com
Dear Professor,
Kagabi ay nanaginip ako na marami akong hawak na gold na nakalagay sa supot. Tapos, pinatingnan ko raw kung magkano ito at ang sabi sa akin ay nasa P500 libo raw lahat.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Maglantay
Sa iyo Maglantay,
Dumating na ang takdang panahon na dapat kang magnegosyo dahil ang P500 libo na napanaginipan mo ay katumbas ng numero na ang kahulugan ay magnegosyo ka. Ito rin ay nagsasabing sa negosyo ka yayaman.
Kaya lakasan mo ang loob mo nang sa gayun ay hindi lang isang beses kundi talagang maraming beses na masusumpungan mo ang iyong sarili na may hawak-hawak na malalaking halaga.
Ang ginto ay mula sa ilalim ng lupa, kaya ang payo sa iyo ay pagsikapan mo ang iyong negosyo, kumbaga, ang ginto ay hindi madaling makuha dahil ang mga ito ay nasa ilalim ng lupa.
Ang totoo nga, ang mismong ginto ay minimina dahil ito ay nasa ilalim ng lupa. Totoo rin na may ginto na hindi minimina, pero ang mga gintong ito ay hidden treasures kaya huhukayin at pagsisikapan pa rin itong makuha.
Sa mundo, napakaraming nagsisikap, pero umaangal na. Bakit? Ito ay dahil sikap sila nang sikap, pero wala pa ring magandang nangyayari sa buhay nila.
Sa mundo, marami ang nagpapagod kaya mayroon silang hinanakit kay Lord dahil ang pagod nila ay hindi naman nagbibigay ng magandang buhay.
Gayundin, ang daming namumuhunan ng pawis, pero wala pa ring pagbabago sa buhay nila at mukha pang hindi na sila makaaahon sa kahirapan.
Lalo na ngayon na sobrang taas ng halaga ng mga bilihin, ang mga tao ay parang “isang kayod, isang tuka”, kumbaga, araw-araw ay kailangang magtrabaho para mabuhay.
Pero, alam mo, Maglantay, marami rin ang kayod nang kayod, pero wala namang matuka, sila ang mga naabuso ng kanilang kapwa na may kinikita man ay pambayad lang sa mga pinagkakautangan.
Pero, ikaw ay matatagpuang mapalad dahil ang pagsisikap na sinasabi sa iyo ng iyong panaginip ay mga gintong kayamanan ang katumbas.
Muli, ayon sa panaginip mo, magnegosyo ka at ang negosyo mo ay dapat mong pagsikapan.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments