Nagpaputok ng baril nasakote
NUEVA ECIJA—Isang lalaking nagpaputok ng baril ang dinakip ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Villa Flores, Cuyapo sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Domingo Dayag, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, tinakot umano ni Dayag sa pagpapaputok ng baril ang nakaalitan niyang si Kagawad Benito Ferrer sa nasabing lugar.
Dahil dito, agad humingi ng saklolo sa pulisya ang kagawad at ipinahuli ang suspek na nahaharap sa kasong illegal possession of firearm and ammunitons at paglabag sa election gun ban.





Comments