top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Lalaki sinakal ng nylon, binaril sa ulo, dedbol

Jeff Tumbado
Mar 18, 2019
1 min read

PINANINIWALAANG sinakal muna bago tuluyang binaril ang isang lalaki na hinihinalang biktima ng extra- judicial killing (EJK) o summary execution sa Tuba, Benguet Linggo ng umaga.

Tinatayang nasa edad 35 hanggang 40 ang lalaki, nakasuot ng itim na jacket at maong na pantalon.

Nakitaan ng mga marka ng pananakal at tama ng bala sa ulo ang hindi pa nakikilalang biktima.

Ani Tuba Municipal Police Station Commander Chief Insp. James Acod, posibleng doon lang din pinaslang ang biktima dahil nakita malapit sa bangkay nito ang isang nylon cord at 2 basyo ng bala ng baril.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page