top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Kelot nagbigti sa hagdan, patay | “HAMBOG AKO, ‘WAG TULARAN”

Madel Moratillo
Mar 18, 2019
1 min read

WALA ng buhay ang isang lalaki matapos magbigti sa kanilang bahay sa Tanay, Rizal kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si ‘Ahriane’, 38, residente ng Sampaloc, Tanay.

Batay sa ulat ng Tanay Municipal Police Station sa tanggapan ni Rizal Police Provincial Office (RPPO) Chief, P/Senior Supt. Lou Evangelista, alas-8:00 ng umaga nang matagpuan ni ‘Allan’ na nakabigti ang kanyang pamangkin sa ilalim ng hagdan gamit ang extension cord.

Agad umano siyang humingi ng tulong upang maibaba ang pamangkin mula sa pagkakabigti ngunit, patay na ito.

May natagpuang suicide note sa bahay ng biktima na hinihinalang iniwan nito bago nagpakamatay.

“Sa mga naabala ko, hindi sapat ang paghingi ko ng tawad, mali po ako sa pagkahambog ko, ‘Wag tularan!” nakasaad sa nasabing suicide note.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page