HOROSCOPE | MARSO 18, 2019 (Lunes)
- BULGAR

- Mar 18, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 18, 2019 (Lunes): Walang dahilan kung bakit ka mabibigo. Pinagkalooban ka ng lakas ng loob at tapang na magagamit mo sa anumang layunin mo sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating. Simulan mo na kung paano mo mas pagagandahin ang buhay mo. Muli, iyung-iyo ang araw na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-13-17-26-37-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka mabibigo kung kikilos ka nang walang pag-aalinlangan. Lakasan mo ang loob mo, wala kang dapat ipag-alala at katakutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-18-24-28-31.
GEMINI (May 21- June 20) - Kakaibang sigla ang iyong madarama. Mas magandang ituon mo ito sa aspetong pangkabuhayan at huwag kang maging agresibo sa larangan ng pag-ibig. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-24-27-34-41.
CANCER (June 21- July 22) - Makalilimutan mo na mahina ka dahil lalakas ka na para bang wala kang aatrasan na kahit na sino. Minsan, maganda rin ang mahina dahil nakokontrol niya ang kanyang sarili. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-19-27-28-30-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang hihinto! Hindi ngayon ang panahon para umatras ka. Maaaring hindi mo alam na ang langit mismo ay gumagawa ng paraan para makuha mo ang mga gusto mo sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-10-12-25-27-30.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kikilos ka para sa iyong pag-asenso. Mas maganda kung ang mga kilos ay nakatuon lang sa iisang bagay. Ang maraming pinagkakaabalahan ay hindi magandang pormula tungo sa tagumpay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-25-39-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang paaawat, pero hindi mo masisisi ang mga malalapit sa iyo na kabahan sa mga ikinikilos mo dahil nag-aalala sila na baka mabigo ka sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-23-29-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maganda ang tahimik na nabubuhay, pero higit na maganda ang maraming kaibigan na handang umalalay. Gayunman, piliin mo lang ang mga kaibigang iyong maaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-28-37-40-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humingi ka ng tulong o alalay, pero ang lapitan mo ay ang taong hindi naghihintay ng kapalit. Gayunman, sa ibang araw ay ipadama mo ang iyong pagtanaw ng utang na loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-16-20-23-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo na ang mga hindi mo nagawa sa nagdaang mga araw. Ang langit mismo ang nasa iyong harapan. Aalisin Niya ang mga sagabal at hadlang sa iyong daraanan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-19-20-28-31-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hinay-hinay lang, lalo na sa larangan ng pakikipagrelasyon. Ang anumang mabilis o pagmamadali ay puwede mong pagsisihan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-16-20-26-27-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagbababala ang araw na ito na sobrang magiging galante ka sa iyong kapwa at sa sarili mo. Alalahanin mong ang isa sa mga epektibong susi para hindi magipit ang tao ay ang pagtitipid. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-17-21-25-34.




Comments