Caretaker na lola, tinodas

ISASAILALIM sa masusing pagsusuri upang mabatid kung ginahasa ba bago pinatay ang lola na natagpuan sa loob ng binabantayan nitong bahay sa Bacoor City sa Cavite, kamakalawa?
Sa inisyal na ulat na nakarating kay Cavite Police Director Police Senior Supt. William Segun, alas-2:45 ng hapon nang matagpuan ang biktimang si Elfilda Ballon alyas Lida, 66, sa kuwarto nito sa Bgy. Mambog 3, Bacoor City.
Walang pang-ibabang kasuotan ang biktima kaya may suspetsa ang mga pulis na biktima ng rape with homicide ang matanda.
Nabatid na mag-isang naninirahan ang biktima sa nasabing lugar dahil siya ang caretaker ng bahay ni Rogelio Lansang na siyang bumisita kaya nadiskubre ang bangkay nito.
Isasailalim pa sa awtopsiya ang katawan ng biktima upang matiyak ang sanhi ng kamatayan nito.





Comments