top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

BACOOR AT DAVAO, BIG GAME SA SOUTHERN DIVISION NG MPBL

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 18, 2019
1 min read

GENERAL SANTOS CITY — Kinumpleto ng Bacoor at Davao Occidental ang pagwalis sa laro ng southern swing series ng MPBL Datu Cup noong gabi ng Sabado upang maitakda ang best-of-three showdown sa Final Four ng southern division ng torneo.

Dalawang araw matapos gitlain ang General Santos City Warriors sa bisa ng 90-80 win, nasakop ng Strikers ang teritoryo ng karibal at makuha ang nakakukumbinsing panalo.

Ang kanilang 92-78 win laban sa Warriors ang nagbigay sa Strikers ng dikit na first round playoff series mula sa pahirapang laro sa torneo. Namuno si MVP front runner Gab Banal para sa Strikers sa bisa ng isang double-double performance na 19 points at 10 rebounds.

Dumagdag si Mark Montuano ng 14 points habang si Rocky Acidre ay may apat na tres puntos sa fourth period upang ilayo pa ang kalamangan ng Warriors.

Solido rin ang laro ni King Destacamento, may kontribusyon na 12 puntos, 6 rebounds at six blocks bago lisanin ang laro dahil sa nasiko siya ni Delmar Mahaling ng General Santos City.

Na-thrown out sa laro si Mahaling dahil sa isa pang insidente nang pananakit kung saan nasipa niya si Montuano sa isang agawan ng loose ball. Na-eject din si Roger Malig-on ng Bacoor, para tulungan sana si Montuano habang ang isa pang Gen San player na si Daryl Goloran at na- thrown out din dahil sa paghahamon ng away kay Malig-on.

Ang Bacoor ay seeded no. 5 sa pagtatapos ng elims at naging unang lowly-ranked squad na umabanse sa conference semis na kasalo ang Davao Occidental, na winalis ang Cebu, 76-69, sa sarili nilang serye. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page