Anak ni Da King, 'di kailangan ng datung… LOVI, ENJOY SA BAKASYON-GRANDE SA TATE KAHIT WALA NAN
- BULGAR

- Mar 18, 2019
- 1 min read

MUKHANG nalilibang nang husto at nag-i-enjoy sa pagbabakasyon abroad si Lovi Poe kaya hindi pa nakakaisip na bumalik sa ‘Pinas. Nasa New York ngayon ang morenang Kapuso actress at nag-iikot du’n.
Maayos naman siyang nagpaalam sa GMA-7 para sa bakasyon niya sa USA. Pagbalik niya ay handa na siyang sumabak muli sa aktingan.
Loveless at single ngayon si Lovi. Break na sila ng bf niyang French businessman na si Chris Johnson.
Marami ang nagsasabing pang-foreigner ang beauty ng anak ni Da King. For sure, muling makakatagpo ng lalaking mamahalin si Lovi.
Nagtatanong naman ang kanyang mga tagahanga kung hindi ba niya nami-miss ang pag-arte? Ayaw na ba niyang gumawa ng teleserye?
Well, napaka-independent ni Lovi at nagagawa niya ang mga gusto niya sa buhay. Hindi niya kailangang magpaalipin sa trabaho. May pribilehiyo siyang magpahinga at mag-enjoy sa buhay. At masaya siya kapag nagbibiyahe abroad.





Comments